Abante Tonite Interactive

Mga Chinese balik sa pangunguha ng taklobo

318

Bumalik ang mga Chinese sa pangu­nguha ng mga giant clam o taklobo sa West Philippine Sea, ayon sa ulat ng Asia Maritime Transparency Initiative-Center for Strategic and International Studies (AMTI-CSIS) na inilabas noong Mayo 20 sa kanilang website.

Sa kanilang ulat, inilarawan ng AMTI-CSIS na mga “most destructive boat” ng China ang naispatan sa mga bagong satellite image sa loob ng nakalipas na anim na buwan.

Ang mga naispatang satellite image ay binubuo umano ng mga maliliit na bangkang pangisda at may mga kasama na mas malaking “motherships”.

Dahil dito, nawawasak ang mga co­ral reef sanhi na rin ng pangunguha ng mga Chinese ng mga taklobo.

Dinadala umano ang mga taklobo sa Hainan province ng China kung saan nabebenta ang mga ito ng daanlibong dolyar.

“Since late 2018, satellite imagery has shown these fleets operating frequently at Scarborough Shoal and throughout the Paracels, including at Bombay Reef,” ayon pa sa AMTI-CSIS.

Samantala, kaugnay sa isyu ng fishing ban na itinakda umano ng China sa West Philippine Sea simula Mayo 1 hanggang Agosto 6 ay ipinaubaya ng Malacañang kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr. ang pagsagot sa natu­rang aksyon ng China.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na alam na ni Locsin ang gagawin at hindi na kaila­ngan pang utusan ito ni Pangulong Rodrigo Duterte. (W/ Aileen Taliping)