Abante Tonite Interactive

Mga Chinese ‘hostage’ ng POGO

321

Sa kabila ng malaking suweldo na umaabot sa mahigit P100,000 kada buwan, mga bonggang tirahan sa mga mamahaling condominium, marami sa mga Chinese worker na namamasukan sa Phillipine Offshore Gaming Operation ay mistulang mga bilanggo dahil kumpiskado ng mga online gambling ope-rator ang kanilang mga passport at bantay-sarado pa ang kanilang mga kilos.

Ayon sa isang artikulo na lumabas sa Beijing News, ibinunyag dito kung paano namumuhay sa Pilipinas ang mga Chinese na naeengganyong magtrabaho sa mga POGO o online gaming.

Sa kabila ng mala-king offer sa suweldo na umaabot sa P126k sa pangatlong taon, tinawag na ‘Oriental Prisoner’ ang mga ito dahil mistula silang hostage ng kanilang mga amo na hawak ang kanilang mga pasaporte. Nakaipon lang din sila sa maliliit na kuwarto at pinapayagan lamang kumain ng hanggang 30 minuto.

Bawal din umano silang lumabas at gumamit ng comfort room ng lagpas sa 10 minuto.

Marami umano sa mga gambling company partikular sa Pasig City ang guwardiyado ng mga may baril as na security guard upang matiyak na hindi sila tatakas.

Isa mga lisensyadong online gaming operator ang Oriental Game ma umookupa ng tatlong palapag sa Ecoplaza building sa Makati.

Noong nakaraang apat na taon, nasa 200 hanggang 300 ang manggagawa nito subalit sa kasalukuyan ay mahigit 600 na ang workers dito.

Sa kasalukuyan, nasa 56 ang mga licensed POGO company sa bansa kung saan aabot sa 100,000 hanggang 250,000 ang mga Chinese worker. Nasa 30 nama nang bilang ng mga illegal offshore gaming facility na natukoy.

At sa pataya ng mga awtoridad, posibleng umabot sa 2 milyon ang bilang ng mga Chinese na nagtatrabaho sa POGO sa susunod na limang taon.
Patuloy pa rin umano ang recruitment o hiring spree sa mga Chinese para sa POGO dahil na rin sa language barrier.

“You don’t need to understand English. There are [mostly] Chinese in the company, so you just need to be able to speak Mandarin,” sabi pa sa report.

Hindi pinapayagan ang anumang sugal sa China maliban sa mga state –run lottery kaya’t dito sa Pilipinas naglipana ngayon ang mga online casino na pinapayagan ng kasalukuyan gobyerno kaya naman marami sa mga bettor ay galing Hong Kong na minamaneobra umano ng ‘triad’
Marami ang naalarma sa pagdagsa ng mga Chinese POGO worker sa bansa kung saan nasa 130,000 ang tinatayang hindi rehistrado at hindi nagbabayad gn tamang buwis.

Ayon kay Philippine Gaming Corporation ( PAGCOR) chairperson at CEO Andrea Domingo na mula 2016 hanggang 2018, nakakubra na ang PAGCOR ng n P11.9 bilyon sa POGO na inaasahang tatabo sa P20 bilyon bago matapos ang kasalukuyang taon.