Abante Tonite Interactive

Mga Chinese ligtas sa pogo hub kesa Metro

316

Balak ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) na ilipat sa mga hub ang mga Chinese na nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) upang maging ligtas sila sa mga kri­minalidad sa Metro Manila.

Ito ang ipinahayag ni Pagcor chairman at chief executive officer Andrea Domingo upang maihiwalay umano sila sa mga Pilipino. Marami rin umanong mga Pinoy ang nagrereklamo sa kabastusan ng mga Chinese.

Subalit pinalagan naman ito ng Malacañang dahil iligal umano ang binabalak ng Pagcor na ipunin ang mga Chinese sa POGO hub sa Clark, Pampanga at Kawit, Cavite.

Abante Hiring – IT dep

Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na hindi sapat na gawing basehan ang “unruly behavior” ng mga Chinese worker para inihawalay sila at ikahon sa mga hub.

“If you will restrict their liberties, then there might be a violation, because if your only reason is rudeness, you can always subject them to violation of the Revised Penal Code,” wika ni Panelo.

“In the same way that if you contained any group of Filipino citizens in one place—that’s a violation.”

Pinalagan na rin ng Chinese Embassy ang plano ni Do
mingo dahil parang ginagawang alipin ang kanilang mamamayan.