Abante Tonite Interactive

Mga Chinese pinakamarami sa inarestong dayuhan — BI

By
167

Nanguna ang mga Chinese national sa listahan­ ng mga inaresto ng Bureau of Immigration (BI) kaugnay sa kampanya nito laban sa mga dayuhang lumalabag sa immigration law noong 2018.

Base sa ulat ng BI, 393 Chinese national ang kanilang naaresto na sinundan ng 52 Koreano, 12 Amerikano at ilang mga African national.

Umabot naman sa 611 dayuhan ang ipina-deport ng BI noong nakaraang taon matapos mapatunayang guilty sa paglabag sa immigration law.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, karamihan sa mga nahuli ay nagtatrabaho nang walang working permit o sangkot sa mga may pa­kinabang na aktibidad na walang kaukulang visa.

Nabatid na marami sa mga naaresto ang kasama sa mga overstaying alien, iligal na dayuhang vendor, at iligal na nagtatrabaho bilang mga manggagawa sa konstruksiyon, minero, at iba pang mga trabaho.