Abante Tonite Interactive

Mga Chinese POGO prosti delikado sa ‘tulo’

793

Nangangamba ang mga alagad ng batas sa bansa hinggil sa posibleng pagkalat ng mga nakakahawang sakit o sexually transmitted disease (STD) katulad ng human immunodeficiency virus (HIV) dahil sa dumaraming Chinese sex den partikular sa Metro Manila.

Ito ang ibinunyag sa eksklusibong pana­yam ng Abante Tonite sa ilang operatiba ng Phi­lippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) hinggil sa isyu ng krimen sa bansa na kinasasangkutan ng mga Chinese national.

Base sa mga nakapanayam na awtoridad, dumami ang prostitution activity sa Metro Manila lalo na sa mga lungsod kung saan matatagpuan ang mga Philippine Offshore Gaming Operator (POGO).

Partikular sa mga tinukoy na lungsod sa Metro Manila ay ang Makati, Pasay, Parañaque, Maynila, Eastwood sa Quezon City, Ortigas Center sa Pasig, at sa ilang bahagi ng Taguig City.

“Prostitution rings had tremendously increased in cities of Metro Manila where a large concentration of POGO companies,” ayon sa mga law enforcer.

Ang nakababahala umano rito ay walang health clearance at permit ang mga Chinese national na sangkot sa prostitusyon para sa kanilang kababayan na nagtatrabaho sa mga POGO kung kaya’t posibleng kumalat ang mga nakakahawang sakit na katulad ng HIV na nagdudulot ng acquired immunodeficiency virus (AIDS).

Hindi umano katulad ng mga Chinese prosti ang mga Pinay na nagtatrabaho sa mga bar o club na kinakailangang sumailalim sa medical examination at kumuha ng clearance at certificate bago sila payagang makapagtrabaho sa mga entertainment establishment.

“May nakakalusot, but generally Filipino club workers and ow­ners cannot operate without the necessary permits and clearan­ces, compared to the emerging prostitution dens being run by Chinese nationals for their compatriots,” sabi ng isang pulis.

Kailan lang ay sina­lakay ng mga operatiba ng NBI ang isang drug den na sa Makati at Parañaque pinatatakbo ng mga Chinese at mga babaeng kababayan din nila ang sangkot sa prostitusyon na ang mga parokyano ay mga Chinese na nagtatrabaho sa mga POGO. (Nancy Carvajal)