Abante Tonite Interactive

Mga Chinese sangkot sa krimen

257

Dear Abante Tonite:

Nabasa ko po ang isang balitang lumabas sa diyaryo ninyo tungkol sa plano ng Philippine National Police na maglagay ng ‘Chinese desk’ para harapin ang mga ­krimen na kinasasangkutan ng mga Chinese sa ating bayan.

Inaalala ko lang ang pagdami ng mga krimen na ­sangkot ang mga Chinese. Ang lalakas ng loob nila ­gumawa ng mga iligal dito sa ating bansa. Baka ­dumating ang araw na lumawak pa ang kanilang mga iligal na gawain at sila na ang maghari-harian.

Katulad po ng mga nire-raid na mga hotel o condo na pugad ng prostitusyon. Mga Chinese ang sangkot sa kalakaran ng laman.

Kung paanong nakapasok dito sa Pilipinas ang mga babaeng Chinese na prostitusyon lang pala ang pakay ay isang malaking katanungan. Bakit nakakalusot ito sa ating mga awtoridad?

Ganoon na po ba kadaling makapasok sa ating bayan ang mga dayuhan samantalang tayo kapag ­nagpupunta sa ibang bansa ay katakot-takot na proseso ang ­pinagdaraanan?

Ferdinand ng Alabang, Muntinlupa City