Abante Tonite Interactive

Mga Chinese warship sa Sibutu Strait, paglabag sa UNCLOS

293

Labag umano sa Uni­ted Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) ang pagdaan ng mga barko ng China sa karagatan ng Pilipinas partikular sa Sibuti Strait sa Tawi-Tawi nang walang paalam.

Ito ang buwelta ng Palasyo kasabay ng pagsasabi na ang ikinikilos ng China ay hindi nagpapakita ng isang tunay na kaibigan.

“Baka it’s a violation of the UNCLOS. Violation ng UNCLOS ‘yan eh kung dumaraan sa ating EEZ. I’m sure the DFA Secretary will do something about that,” sabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

“We express concern with that kind of incident. Because if they keep on saying that we’re friends, I don’t think this is an act of friendship,” sabi pa ng kalihim.

Nang tanungin kung tatalakayin ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa sa kanyang pakikipagkita kay Chinese President Xi Jinping ngayng buwan, sinabi nito na: “That’s the call of the President. But any issue will always be open between the two heads of state. Depende sa kanila kung anong pag-uusapan nila.”