Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga choosy sa vaccine babalik sa dulo ng pila – DILG

0 186

Maghihintay ang mga Pinoy na mapili sa brand ng bakuna, ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya.

Ito’y kasunod ng utos sa mga local government unit (LGU) na huwag nang ianunsyo ang mga vaccine brand na ituturok sa bawat residente, at malalaman na lang ito sa mismong vaccination site.

Ayon kay Malaya, sakaling ayawan ng isang indibiduwal ang ituturok sa kanyang brand ay babalik ito sa dulo ng waiting list.

“That person has to go back to the line. Meaning, assuming he is [category] A2 or A3, he will have to go back to the line of all of the A2 or A3 masterlist in that specific community,” sabi ni Malaya sa isang panayam sa telebisyon.

Subalit kapag nangyari naman aniya ito ay lalo lamang maaantala ang pagbabakuna sa isang pamayanan lalo pa kung marami ang choosy sa ituturok na bakuna sa kanila.(Raymark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.