Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga Coast Guard ayaw magpaturok

0 42

Hindi bukas ang karamihan sa mga miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) na magpabakuna laban sa COVID-19, ayon sa tagapagsalita nito.

Sinabi ni PCG spokesperson Commodore Armando Balilo na base ito sa kanilang internal survey.

Sa ngayon ay magsasagawa umano sila ulit ng survey sa lahat ng staff sa buong bansa na naka-deploy sa frontline dahil hindi sila nasama.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Magsasagawa rin ng information campaign ang PCG kaugnay sa COVID bakuna.

“Marami ang may ayaw. Baka hindi pa na-explain ng maayos bago kami nag-survey sa opisina. In my opinion, dapat naka-vaccine na lahat ng frontliners,” ayon pa kay Balilo. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.