Abante Tonite Interactive

Mga commuter lugi sa traffic

182

Dear Abante Tonite:

Dahil sa dumaraming bilang ng mga sasakyan sa lansangan, ang daloy ng trapiko ay patuloy na sumisikip at lumalala sa bawat araw. Isa sa mga dahilan nito ay ang pagsasawalang bahala sa ‘proper traffic management’ ng Pilipinas. Dahil dito, naghahalo-halo at nagbubuhol-buhol ang mga pampubliko at pribadong mga sasakyan sa halos lahat ng daan sa Metro Manila partikular sa EDSA.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority, tinatayang nasa 19.30 kilometro kada oras na lamang ang tinatakbo ng bawat sasakyan kumpara sa karaniwang 60 kilometro kada oras.

Labis na naaapektuhan ang mga commuter ng pampublikong mga sasakyan dahil marami sa kanila ang nahuhuli sa klase at trabaho dahil sa patuloy na humahabang oras ng biyahe dulot ng trapik.

Sa kabila ng isyung ito, hindi pa rin gumagawa ng aksiyon ang gobyerno at tila patuloy na itinatanggi ang nasabing krisis.

Ang pagsasagawa ng ‘proper traffic management’ o ang paglalaan o paghahati ng daan para sa pribado at pampublikong mga sasakyan ang isa sa mga makatutulong upang masolusyunan ang sumisikip at lumalalang daloy ng trapiko sa bansa.
Carissa Tan