Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga cong nililinis kalat ni Yang, Pharmally

0 35

Inamin ng chairperson ng House committee on good government and public accountability na ipinatawag nito ang pagdinig hinggil sa overpricing diumano ng mga medical supply ng Department of Health (DOH) upang kontrahin ang Senado sa pagdikdik sa mga nasa likod ng transaksiyon sa COVID response.

Sa pagdinig nitong Miyerkoles, sinabi ni DIWA party-list Rep. Michael Edgar Aglipay na inimbitahan nito si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Wilkins Villanueva upang liwanagin kung mayroong koneksyon si Michael Yang sa illegal drug trade.

Si Yang ay dating presidential economic adviser na iniuugnay din sa Pharmally Pharmaceutical Corporation.

Ang Pharmally ay iniimbestigahan dahil sa overpriced umano ang ibinenta nitong mga face mask at personal protective equipment sa gobyerno noong 2020.

Tinanong ni Aglipay si Villanueva: “Si Presidente ba ay connected sa drugs dahil diyan kay Michael Yang?”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sinabi naman ni Villanueva na wala silang rekord na mayroong koneksyon si Yang sa bentahan ng iligal na gamot.

“Walang Michael Yang Mr. Chair. Kasi kung si Michael Yang is connected sa drugs eh talagang matagal na naming hinanting `yan Mr. Chair,” sabi ni Villanueva.

Nagpasalamat si Aglipay sa klaripikasyon ni Villanueva.

“Kasi nalulungkot lang ako, lahat na lang — hearing dapat tungkol sa DOH, DBM, napunta tayo sa drugs. Kaya nga I had to resort and invite you to counter what the Senate is doing to destroy our President,” sabi ni Aglipay.

Sinabi rin ni Aglipay na inilagay niya ang isyu ng droga sa “other matters” ng agenda ng komite “to rebut their (Senate) theory.” (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.