Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga cong, senador kinaladkad sa P100M scam

0 50

Pinosasan sa isang entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang babaeng nasa likod umano ng P100 milyong investment scam na ginagamit ang pangalan ng ilang mambabatas para maka­panloko.

Kinilala ang suspek na si Christine Lagriso­la, na inaresto noong Hulyo 16.

Ikinasa ng NBI-Special Action Unit ang operasyon batay sa reklamo ng isang nabik­tima umano ni Lagrisola.

Ayon sa biktima, pinangakuan siya ng sus­pek na magkakaroon ng malaking tubo ang milyones na kanyang ipapasok sa investment. Mahigit P1 milyon umano ang pinasok na in­vestment ng biktima kay Lagrisola.

Dagdag pa ng biktima, gumamit ng mga pangalan ng mga kongresista at senador ang suspek upang mahikayat siya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ngunit nadiskubre niyang scammer ito nang tawagan niya ang isang kongresista at nalaman na wala itong koneksiyon kay La­grisola.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong estafa.

Hindi binanggit kung sino-sinong politiko ang dinamay ng suspek sa naturang scam.

Samantala, base sa impormasyon, ni-refer ni House Deputy Speaker at 1Pacman party-list Rep. Michael Romero sa NBI ang nagreklamong biktima dahilan para ikasa ang entrapment operation laban sa suspek.

Nabatid na ilang indibidwal umano ang komontak sa tanggapan ni Romero at nag­sumbong na nabiktima sila ng suspek. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.