Abante Tonite Interactive

Mga consumer malaki ang natitipid sa Manila Water

355

Malaki ang natitipid ng mga consumer ng Manila Water kum­para sa sinisingil ng ibang water concessionaire sa bansa.

Lumilitaw sa mga datos na pinakamababa pa rin ang singil sa tubig sa Metro Manila kumpara sa may 12 metro cities sa buong Pilipinas maging sa ibang siyudad sa Asia-Pacific Region.

Dalawa lamang ang water concessionaire sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System — ang Manila Water at ang Maynilad.

Dahil mababa ang sinisingil ng Manila Water, ang mga consumer ng Metro Manila na kumokonsumo ng 10 cubic meters ng tubig kada buwan ay nagbabayad lamang ng P104 samantalang kung ikukum­para ang kaparehong konsumo, ang isang taga-Baguio ay nagbaba­yad ng P370.

Kasunod ng Baguio sa may pinakamataas na singil ay ang San Jose Del Monte na pangalawa sa may pinakamataas na water rate sa presyong P280 kada buwan.

Sa datos mula sa Local Water Utilities Administration (LWUA), mas mataas din ang binabayaran sa tubig ng mga consumer sa Angeles, Batangas, Bacolod, Cabana­tuan, Cagayan de Oro, Dasmariñas, Metro Iloilo, Metro Cebu at Davao.
Base naman sa mga comparative rate ng 2018 Global Water Intelligence
Report, kung ikukum­para ang mga water rate sa mga siyudad sa Asya Pasipiko para sa mga consumer na gumagamit ng 15 cubic meters kada buwan, ang Metro Manila pa rin ang pinakamababa sa halagang P18.28 kada cubic meter.