Abante Tonite Interactive

Mga courier company inalerto sa delatang may ASF

328

By Eileen Mencias

Nanawagan si Agriculture Secretary Emmanuel Piñol sa lahat ng courier service companies na huwag tumanggap ng mga delatang baboy at iba pang pork products mula sa mga bansang tinamaan na ng African Swine Fever (ASF).

Inisyu si Piñol ang Department of Agriculture Memorandum Circular No. 07 series of 2019 sa lahat ng courier service companies na nagnenegosyo sa bansa.

Ayon sa kalihim, maigting ang pagbabantay ngayon ng mga awtoridad dahil sa bantang panganib na maidudulot ng AFS na patuloy pa ring kumakalat sa Asya.
Pinagbawal na ng DA ang pag-aangkat ng mga baboy at produktong baboy pati na mga semilla nito mula sa Belgium, Bulgaria, China, Czech Republic, Hungary, Latvia, Moldova, Poland, Romania, Russia, South Africa, Ukraine, Zambia, Mongolia, Vietnam, Hong Kong at North Korea noon pang isang taon.

Lahat ng mga agricultural commodities mula sa mga naturang bansa ay hinaharang na muna sa borders.

“Furthermore, all arriving agricultural commodities from res­tricted countries are subject to immediate stoppage, confiscation and destruction by the Veterinary Quarantine Officers at the border of entry for proper disposal,” sabi ni Piñol.

Pina-recall at kinumpiska na ng Food and Drug Admnistration lahat ng mga imported pork mula sa mga bansang apektado ng AFS kamakailan.
Sabi ni Piñol, kailangang bantayan pa ang iba pang maaring pasukan ng mga producktong ito sa bansa para hindi kumalat at masalanta ang local na industriya ng baboy.