Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga COVID patient ‘di ituturing na kriminal – Roque

0 225

sdc

Pupuwersahin lang ng pulis o local government personnel ang coronavirus patient kung magpupumilit itong hindi madala sa isolation facility, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

“I think we can still compel them, but I don’t think it will be in the nature as if they are being treated as criminals,” ani Roque sa CNN Philippines’ The Source, Huwebes.

“But make no mistake about it: if the person is completely adamant, and he is there infected and could be a spreader, then I think he can still be forcibly brought to an isolation center, if need be,” saad niya pa.

Maraming bumatikos sa “Oplan Kalinga”, o ang programa kung saan susunduin sa kanilang bahay ang mga COVID-19 patient na walang sariling banyo at silid, at may kasama sa bahay na bulnerable sa COVID-19, para dalhin sa isolation facility.

Kahalintulad kasi umano ito ng “Oplan Tokhang”, na programa ng pulisya kung saan kumakatok sila sa bahay ng hinihinalang drug user o pusher para paaminin o sabihang itigil na ang paggamit ng droga.

Samantala, matatandaang sinabi ni Philippine National Police chief Gen. Archie Gamboa, Miyerkoles, na ang layunin ng pagbabahay-bahay ng mga pulis sa mga COVID-19 patient ay “parang paghahanap ng kriminal, at kapag natugis mo na, kailangan mo pang hanapin ang mga kasabwat niya.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.