Abante Tonite Interactive

Mga dahilan kung bakit nagkaka-singaw

1,072

Nasubukan mo na bang magkaroon ng singaw?

Ang singaw ay maliliit na pabilog na sugat sa bibig o dila. Masakit ito kapag nasasagi at mahapdi rin kapag nalalagyan o nadadampian ng mga maaalat, maasim o maaanghang.

Bihira sa tao ang hindi nagkakasingaw. Pero ito ay kadalasang nag-uumpisa kapag nagkasugat sa bibig. Nasusugatan ang bibig dahil minsan sa pagkain ng matitigas. Minsan naman ay dahil sa nakagat ang labi, may dental braces o matatalas na ngipin.

Abante Hiring – IT dep

Bukod sa mga ito’y puwede ring pinagmumulan ito ng sobrang stress, laging pagkapuyat o bugbog ang katawan sa trabaho.

Mga 30% ng tao ay nagkakaroon ng singaw. Karamihan dito ay ang kababaihan mula edad 16 hanggang 25. Ngunit bihira nang tubuan nito kapag lumampas na sa edad 55.