Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga dapat gawin kapag nanlalamig na ang relasyon

0 132

Sa pagtagal ng relasyon, ‘di natin maiiwasan na mawala ang spark sa. ‘Yung tipong dating pagkasabik ay nagiging normal na feeling na lamang, gets mo? Well, Maraming rason kung bakit nanlalamig o tumatamlay ang bawat relasyon.

Kung isa ka sa mga nakakaranas nito, ito ang 5 tips na maaari mong gawin para manumbaling muli ang kilig.

Tip #1 Space at magbigay ng oras. Mahalaga na magkaroon ka at ang iyong partner ng sariling espasyo at oras upang makapag-isip-isip muna. Sa pagkakataong ito, ipapahinga niyo muna ang inyong mga isip at itutuon ito sa ibang bagay. Pagkaraan, maaari na kayong mag-usap muli tungkol sa inyong problema pero sa pagkakataong ito ay kalmado at compose na ang bawat isa.

Tip #2 Usap lang bebs. Gawing normal ang pagsasabi ng mga tunay niyong nararamdaman. ‘Di manghuhula ang bebe mo kaya ‘wag mong asahan na mage-gets niya ang mga bagay na hindi mo naman sinasabi.

Related Posts

Tip #3 Alaala ng kahapon. Pwede kayong magbalik-tanaw kung paano ba kayo nagsimula, saan kayo nagkakilala, kailan naganap ang inyong first date, at mga memorable na pangyayari na pinagdaanan ninyong dalawa. Sa ganitong paraan, maaaring ma-realize ninyo na malayo at marami na pala kayong hinarap nang magkasama at ‘di solusyon ang paghihiwalay sa mga problemang kinakaharap ninyo sa kasalukuyan.

Tip #4 Mag-date! Marami kayong option na maaaring subukan depende sa trip at budget ninyo, ang mahalaga ay magkaroon ka ng mga bagong memory na pwedeng balikan.

Tip #5 Assurance. Sabi nga nila, words are powerful so be careful how you’re using it. Malaking bagay ang assurance na binibigay mo sa inyong partner. Ang simpleng, “Mahal na mahal na kita”, “Akin ka pa rin bukas”, “Pipiliin kita lagi” ay mga salita at pariralang taglay ang malakas na bugso ng pag-ibig. Kung mahal mo, sabihin mo. Deserve niyang malaman at maramdaman ito.

Wala namang mawawala kung ito’y susubukan. Tandaan, kapag namatay ang baga ng pag-ibig ‘di naman ibig sabihin nito ay tapos na dahil marami pa namang paraan na maaring gawin upang magparikit muli. (Moises Caleon)

Leave A Reply

Your email address will not be published.