Abante Tonite Interactive

Mga dapat gawin ng estudyante

1,067

Ni Geraldine Monzon

May mga nagsasabi na madali lang ang maging estudyante. Gigising sa umaga, papasok, mag-aaral, uuwi, matutulog at papasok ulit kinabukasan.

Same routine everyday. Pero ang inaakala nating madali ay may kaakibat na obligasyon at responsibilidad. Hindi ito madali para sa isang estu­dyante.

Kahit pa nakikita natin sila na pa-easy easy lang. Kaya kung ikaw ay isang estu­dyante o meron­ kang anak na estudyante, dapat niyang mala­man ang mahahalagang dapat gawin para maging magaan ang kanyang pag-aaral.

1.Mag-aral mabuti. Ito ang kauna-unahang dapat isa-isip ng isang estudyante sa oras na magbukas na ang klase. Dahil ito ang dahilan kung bakit siya pinag-aaral ng kanyang mga magulang. Ang magkaroon ng maraming kaalaman.

Related Posts

2.Magkaroon ng disiplina. Ang disiplina sa sarili bilang isang estudyante ay hindi agad natututunan at naisasagawa. Ito ay unti-unti lamang dine-develop hanggang sa makasanayan. Tulad halimbawa ng maagang pagtulog dahil maaga ang pasok. Pag-uwi sa tamang oras dahil may gagawin pang homework na hindi dapat kalimutan. Pag-aayos ng sariling mga gamit sa eskewela.

3.Ugaliin ang pagbabasa. Maraming estudyante ang tamad magbasa. Isa ito sa dapat makagawian ng mga estudyante, ang pagbabasa. Sa kabila ng makabagong paraan ay nananatili pa ring makapangyarihan ang nilalaman ng mga aklat.

Ang impormasyon sa bawat pahina ay hindi mapupulot sa kalye bagkus ay kapupulutan ng kaalaman na kung minsan ay hindi natin mahanap sa google.

4.Ayusin ang oras. Time management. Kailangang kailangan ito ng isang estudyante lalo na ang isang working student. Dapat alam niya kung paano niya gagamitin ang oras ng tama. Hindi dapat na lumamang ang oras niya sa mga social media o sa pakikipagbarkada kaysa sa kanyang pag-aaral.

5.Iwasan ang hindi pagpasok. Ang pag-absent kung minsan ay nagiging pangkaraniwan na lang sa iang estudyante. Pero ang hindi niya alam, sa isang araw lamang ng pagliban niya sa klase ay marami ng nawawala sa kanya. Maraming kaalaman ang nakakalampas na sana ay natutu­nan niya. Kaya kung hindi rin lang valid­ ang dahilan ay huwag na dapat umabsent.