Abante Tonite Interactive

Mga dapat gawin para umasenso sa negosyo

804

Alam n’yo bang lahat ng mga ­nagtatayo ng negosyo ay nangangarap na umangat o umasenso ang kanilang mga ipinundar na negosyo?

Ngunit bago umunlad sa pangarap, dapat ay may katangian ka na kailangan mong sunduin upang umasenso.

Unang-una ay kailangan mong magkaroon ng tiwala sa sarili. Siyempre negosyo mo ‘yan kaya dapat tiwala ka at sure ka. Positive thinking sa negosyo ang kailangan.

Pagsikapan mong maging mas mahusay sa mga bagay-bagay. Kabilang na dito ang pagbabasa ng mga news na may kaugnay sa katulad na negosyo upang mas ­mapalawak pa ang business.

Kailangan mo ng puso, tiyaga at ­sipag sa pagnenegosyo. Puso sa mga alalay sa negosyo at sa mga customers, tiyaga sa pag-ahon ng negosyo at sipag upang umunlad ang negosyo. Makatao ka at ­madaling pakisamahan.

Hindi mo tinatanggap ang sagot na ‘hindi,’ hindi ka sumusuko, kahit kailan. Think Positive sa business.

May abilidad kang makipagtulungan sa kung sino man ang interesado sa iyong negosyo. Nakikita mo ang mga oportunidad sa kahit anong bagay at sa kahit sa­ang lugar ka magpunta.

Naniniwala ka na may iba pang kahulugan ang job security. Para sa iyo mas ligtas ang trabaho mo kung ikaw ang ­humahawak nito.

Likas sa iyong pagkatao ang pakiki­pagkompitensiya at nakahanda kang magbigay at bitawan ang mga bagay na alam mong hindi mo na dapat pang hawakan.

Naniniwala kang may mga bagay na mas mahalaga kaysa sa pera. Walang holiday para sa iyo dahil lahat ng oras at araw ay mahalaga.

Kinikilala mo ang iyong sarili, kung ano ang iyong mga katangian, katatagan at kahinaan. Makatuwiran ka kung mag-isip, alam mo kung papaano aayusin ang mga problema at kung paano itatama ang mga pagkakamali.

Dapat na maging determinado. Ginagawa mong posible ang mga bagay na imposible para sa iba. At higit sa lahat, mahalin ang itinayong negosyo.