Abante Tonite Interactive

Mga dapat iwasan pagkatapos kumain

1,003

Nakaugalian na ng ilan na uminom ng tsaa pagkatapos kumain dahil sa paniniwalang nakakatunaw agad ito ng pagkain. Tandaan na may taglay na acid ang dahon ng tsaa na nagpapatigas ng protina. Mahihirapan ang digestive system na tunawin ito kapag tumigas na.

Iwasang maglakad agad dahil nahihirapang kumapit ang ­nutrients sa katawan mula sa kinain. Makabubuting tumayo lang muna bago tangkaing maglakad.
Nauuwi minsan sa katabaan ang agarang pagtulog pagkakain. Bukod sa tumataas ang insulin level na pinagmumulan ng diabetes ay nagiging sanhi rin ito ng paghihilik o pangangasim ng sikmura.

Isa rin sa kalimitang ginagawa pagkakain ay ang paninigaril­yo. Sikaping iwasan ito dahil ang paninigarilyo pagkatapos kumain ay katumbas na rin ng pagyosi ng 10 stick na kalaunan ay nagiging prone sa cancer.