Abante Tonite Interactive

Mga dapat laman ng bag, alamin!

By
293

Kada lakad o gimik, karamihan na sa girls ang may bitbit na bag.

Kanya-kanya itong laman. Pero kadalasan, kung ano pa iyong importante ay iyon pa ang nakakalimutan – at ‘yung hindi naman kailangan, pilit na isinasama sa lakaran at kung minsan ay dalawang bag pa ang tangan.

Bago lumarga, ‘wag kalimutang bitbitin at isuksok sa bag ang mga importante gaya ng mga sumusunod:

ID’s. Susi ng kotse kung meron at susi ng bahay.

Siyempre kasama na ngayon sa buhay ang cellphone at samahan na rin ng headphones.

Hindi ka rin makakakilos at ‘di makakarating sa iyong haybol kung ‘di mo bitbit ang iyong wallet kalakip ang iyong cash o credit card.

‘Wag ding kakalimutan ang tissue at makeup kit pang-retouch lalo na kung may date. Eyeglasses, sunglasses, ballpen, mini pad or piece of paper.

Hand sanitizer, floss-mouthwash. Samahan na rin ng mini bottled water, biscuit at candy. ­