Abante Tonite Interactive

Mga dapat malaman tungkol sa hair dye

By
415

Patok ngayon sa mga millennial lalo na sa mga fashionista at estudyante ang magpa-hair dye, hair rebond o kerabond, brazilian blow-dry at iba pa.

Sabi nga nila, hair is a beautiful form of self-expression. Sino ba naman ang ayaw gumanda?

Pero bago natin tangkaing ma-achieve ito’y dapat muna nating alamin ang ilang side effects nito.

Hindi lahat ay hiyang sa paggamit ng hair dye o pampakulay ng buhok.

Kaya bago magpaayos sa hair stylist ay sabihin muna kung may history ng allergy sa gamot.

May ilan kasing allergic dito. Pagkatapos pahiran sa buhok ay namumula at namamaga ang buong ulo at mukha.

Problema rin minsan sa pagpapa-hair dye ay ‘di maiwasang makulayan din ang balat sa batok, noo at paligid ng tenga.

Maiiwasan natin ito kung maglalagay muna ng vaseline o petroleum jelly sa paligid ng anit at tainga.

Makakatulong ang mga ito para ‘di dumikit ang hair dye sa balat.

Sakali namang nangitim na ang balat, makakatulong ang pagpahid ng puting suka o toothpaste para matanggal ang kumapit na mantsa sa balat.