Abante Tonite Interactive

Mga dapat malaman tungkol sa salamin at frame sa loob ng kuwarto

By
570

Ang salamin na nakatapat o nagri-reflect sa kama ng mag-­asawa ay maaaring magdulot ng matinding problema. Ito ay dahil sa nang-eengganyo ito ng ikatlong partido na posibleng magwasak sa kanilang pagsasama.

Tanggalin ang salamin sa kuwarto lalo na kung problemado, depressed o stressed ang natutulog dito dahil maaaring gambalain ng salamin ang pagtulog nito.

Mas mahihirapan namang makahanap ng partner ang isang taong single dahil dinodoble na ng salamin ang kanyang pag-iisa.

Mag-ingat at pumili rin ng bawat isasabit na imahe sa ­ulunan ng kama.

May negatibong epekto ang pagsabit ng matatapang na hayop o overpowering images ng kalikasan.

Iwasan din ang nakaka-depress na frame o magulong imahe dahil anumang nakasabit sa ulunan ng kama ay makakaimpluwensiya sa pagtulog gabi-gabi at wala kang anumang depensa.

Sa halip ay pumili ng mga imahe na susuporta sa iyong panaginip at magpapaginhawa sa iyong espiritu at pag-iisip.

Sakali namang single pa at gusto nang magka-dyowa, ­huwag magsasabit ng litrato ng single na tao at sa halip ay magsabit ng larawan ng ­masayang mag-asawa.

Kung ayaw namang ­alisin ang salamin, takpan na ­lamang ito sa gabi at ­muling buksan pagkagising sa umaga.