Abante Tonite Interactive

Mga dapat tandaan kapag may lakad

By
293

Sa bawat lakad, kalimi­tan nang nagiging excited ang lahat lalo na kung ang destinasyon ay noon mo pa pangarap na marating.

Pero sa sobrang kasa­bikan, kung ano pa minsan ang importanteng dapat dalhin ay siya pang nakakalimutan – at kung minsan ay nali-late naman sa sobrang katarantahan.

Para walang hassle at hindi madiskaril ang ­planong paglalakbay, narito ang ilang tips:

Maagang mag-­impake. Kung maaga ang ­biyahe, bago ­ma­tulog o isang araw bago ang lakad ay ihanda na ang lahat ng bibitbitin.

Ilista ang mga kailangan at dapat dalhin. Unahin ang mga importante gaya ng underwear, toothbrush, toothpaste, deodorant, tsinelas at iba pa. Samahan na rin ng gamot bilang first aid at extra plastic (para sa basang gamit o kung ‘di man ay pansala sa suka).

‘Wag magbitbit nang sobra. Kung hindi naman kailangan ay limitahan lang ang babauning gamit. Mainam din kung maninipis na damit lang ang dalhin para bawas-­bigat sa kargada.

Maging masinop sa pag-iimpake. Ihiwalay ang pang-personal hygiene sa mga damit. Ayusin at tiklupin nang maayos ang mga damit para hindi magmukhang chop suey at bawas-espasyo.

Magpasalamat at hi­ngin ang gabay ng Maykapal. ‘Wag kalimutang magdasal bago lumarga at ipagpasalamat ang matiwasay na paglalakbay.