Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga dasal, sinasalo ng mga Anghel

0 68

Mga ka-Misteryo may pagkakataon bang feeling niyo ay kausap niyo ang anghel? Lingid sa ating nalalaman sila din pala ay sumasalo sa mga dasal natin sa Diyos.

Yan ang paksa natin ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin natin ang Totoo!”

Si Manuel ng Bulacan ay simpleng tao kung titignan pero hindi alam ng kanyang mga kaibigan meron siyang kakaibang abilidad: ‘makipag-usap sa mga anghel.’

Misteryo: “Kailan mo ba natuklasan yang kakayanan mo na makipag-usap sa mga anghel? Natural lang ba yan? O napag-aralan mo?”

Manuel: “Mula nang matuto akong mag-meditasyon at makipag-ugnayan sa iba’t ibang nilikha.”

Misteryo: “Nabanggit mo nakakausap mo ang mga anghel. Marami ka na bang nakausap sa kanila?”

Manuel: “Iilan lang tsaka depende sa pangangailangan pero lagi ko nakakausap si San Miguel kasi siya ang kumander ng mga anghel, alam niya kung sino ang nakatoka sa bawat misyon.”

Misteryo: “Wow! Ang suwerte mo naman at nakakausap mo pala si San Miguel. Curious tuloy ako. Paano mo siya nakakausap? Nakikita mo ba siya?”

Manuel: “Hindi ko siya nakikita gamit ang mata ko pero kung ginamit ko mata ng isip ko ayun nakikita ko siya. Nakakausap ko siya sa isip, di ba yun yung telepathy na tinatawag? May time sumasagot siya gamit ang bibig ko. Alam mo naman siguro yung channeling?”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Misteryo: “Oh yes tama channeling nga yan kasi ginagawa ko din yan. So paano yung pakikipag-usap mo kay San Miguel paano sila nagtatrabaho?”

Manuel: “Yung mga dasal ng tao sa Diyos sila ang sumasalo at nagpapatupad kumbaga para silang heavenly enforcer.. Autonatic daw yun basta may nagdasal, silang mga anghel ang nagtatrabaho.”

Misteryo: “Curious uli ako ano bang dasal ang patok ngayon? Natanong mo ba sila lately?”

Manuel: “Oo naman natanong ko. Marami daw nagdarasal ngayon para sa eleksyon lalu na sa kanilang mga kandidato. Nagdarasal din ang tao na makaligtas sa Covid. Yung iba ipinagdarasal yung mga kaluluwa ng namatay. Dito niya pinapadala ang mga anghel ng kamatayan.

Misteryo: “Ano nanan kasunod nun?”

Manuel: “Malakas din mga dasal para sa bawat pamilya yung kinikita at proteksyon sa sakit.”

Walang imposible at walang pinipili kung sino ang pwedeng makipagusap sa mga anghel at maging sa Diyos.

Para sa inyong kuwentong kababalaghan mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.

Leave A Reply

Your email address will not be published.