Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga dating app ginagamit ng illegal recruiter – POEA

0 88

Nagbabala ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa publiko lalo na ang mga aktibo sa online dating apps dahil ginagamit umano ito ng mga illegal recruiter.

Base sa pahayag ng POEA, nakatanggap sila ng mga ulat mula sa ilang indibidwal na inalok umano ng migration at trabaho sa Estados Unidos at Canada gamit ang online dating apps.

Babala ng POEA, katulad ng ibang makikilala sa dating apps, kukunin ng mga scammer ang loob ng kanilang biktima hanggang sa alukin ito ng migration o trabaho sa ibang bansa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Para maging kapani-paniwala, magpapadala pa ang mga ito ng pekeng kontrata at company profile. Kapag napaniwala ng mga scammer ang biktima ay hihingan na nila ng bayad para sa proseso ng dokumento.

Pinayuhan ng POEA ang publiko na isumbong sa kanila sakaling may makilalang scammer sa dating apps. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.