Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga dehadista umiskor agad

0 100

NAKADALE agad ang mga dehadista sa forecast sa Race 1 kahapon matapos manalo ang kabayong Galing Sa Mabait sa Condition Race 24 sa San Lazaro Leisure sa Carmona, Cavite.

Hindi pinaporma ni Galing Sa Mabait ang mga bumenta sa takilya na sina A Song For Gee at Song For Tata sa event na suportado ng Philippine Racing Commission (Philracom).

Sakay si apprentice rider NC Lunar, nagtala ng tiyempong 1:32 minuto sa 1,400-meter race si Galing Sa Mabait upang sikwatin ang panalo at magsaya ang mga dehadista na sinama siya sa winner take all.

SM food to go Banner Ad

“Carry Over Winner Take All tapos one-point agad at dehado pa,” masayang sabi ni Rene Cassera, racing aficionado.

Dumating na segundo si Song For Tata, tersero si A Song For Gee habang pang-apat na dumating sa meta si Toscana.

Nagbigay ng P173.50 sa forecast na Galing Sa Mabait at Song For Tata, (2-12) kombinasyon. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.