Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga demoted nurse nganga sa backpay

0 144

Hahanapan ng pondo ng Malacañang ang backpay ng may 30,000 government nurses matapos baliktarin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang demotion ng mga ito at aprubahan ang umento sa sahod ilan sa mga ito.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na hihingi ang Palasyo ng guidacd dahil walang sapat na pondo sa ngayon para sa backpay ng mga nurse na nagtatrabaho sa gobyerno.

“Doon po sa backwages, kaya po kami humihingi ng guidance kasi mukhang walang sapat na funding for that now,” ani Roque.

Posible aniyang isama na lamang ang bakcpay sa 2022 budget kung wala talagang mapagkunan sa ngayon paya pondohan ang pamgangailangan ng mahigit tatlumpung libong mga nurse ng gobyerno.

“But huwag naman tayong mag-alala kung ang guidance ni ES ay magbibigay ng backpay eh pupuwede naman po iyang isama sa 2022 budget ” dagdag ni Roque. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.