Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga dentista isasalang sa turok vaccine

0 108

Nagkasundo ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Philippine Dental Association (PDA) at Rotary Club of Manila na patulungin na ang mga dentista sa pagbabakuna kontra COVID-19.

Layunin ng nilagdaang memorandum of agreement (MOA) ng MMDA sa pagitan ng PDA at Rotary Club na may temang “We Vax As One” ay upang mapataas ang bilang ng mga mababakunahan sa National Capital Region (NCR) at mga kalapit na lalawigan ng Rizal, Bulacan, Cavite, at Laguna.

Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, ang nasabing kasunduan ay tungo sa pagkamit sa herd immunity kontra coronavirus sa lalong madaling panahon.

Una nang sinabi ni Abalos na binigyan na sila ng Professional Regulation Commission (PRC) ng go signal para gawing vaccinator ang mga dentista pero hinintay pa nila ang direktiba mula sa Department of Health (DOH).

“Hindi na raw po kailangang i-amend ang batas at napakaraming manpower ang ibibigay nito,” ayon kay Abalos sa isinagawang lingguhang pulong ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) kamakailan. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.