Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga dinampot sa rally palayain agad – Gamboa

0 596

Inutos ni Philippine National Police (PNP) Director General Archie Francisco Gamboa sa kapulisan na pinagbantay para sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte na agarang patawan at palayain ang mga maaaresto dahil sa paglabag sa protocol laban sa mass gathering.

“Kung pwede i-charge man sila,” sabi ni Gamboa sa press briefing sabay bilin sa kapulisan na maglaan ng malaking lugar na magsisilbing holding area para sa mga maaarestong indibiwal upang matiyak ang physical distancing.

Ayon kay Gamboa, puwede namang hilingin sa pamahalaang lokal ng Quezon City na magpadala ng kanilang mga treasurer para maayos agad ang multa ng mga protocol violator at iyong mga third-time offender lamang ang kakasuhan ng paglabag sa Republic Act No. 11332 o Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.