Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga diskarte sa pag-iipon ng pera

0 125

Isa ka rin ba sa mga nahuhulog sa katagang ‘deserve ko ‘to!’ bilang dahilan para bumili ng mga bagong gamit na kalaunan ay hindi mo pala kailangan, hanggang sa hindi mo namamalayang nauubos na pala ang hawak mong pera.

Huwag mag-alala dahil may simpleng paraan na pwede mong gawain upang makaipon pa rin kahit paonti-onti.

Siguro gasgas na ito, pero ang una talagang kailangan mong gawin ay pagba-budget at pagsisiguro na pasok sa tinakda mong pagkakagastusan ang ilalabas mong pera. Mahalaga na mayroong kang pamamaraan sa paghahati ng iyong kita at kung saan ito napupunta.

Maaari mong subukan ang 50-30-20 method. Dito, ang 50% ng sweldo ay mapupunta sa needs gaya ng bills tulad ng kuryente, tubig, internet, at iba pa; habang ang 30% para sa wants gaya ng mga luho o kagamitan na nais mong bilhin, at 20% para naman sa savings. Maaari mong baguhin ang paghahati nito depende sa pangangailangan mo.

Pangalawa, gawing habit ang paglilista. Halimbawa nito ay paglilista ng mga nagastos sa isang araw para sa ganitong paraan ay namo-monitor mo ang paglabas ng iyong pera.

Pangatlo, habang nagtatrabaho ay maaaring maghanap ka ng mga sideline o part-time job upang may iba pang pinagkukunan at pinagmumulan ng iyong kita.

Sumunod, maging wais at bago gumastos siguraduhing napag-isipan at natanong mo ng ilang beses ang sarili kung kailangan mo ba talaga ito ngayon. Kung hindi mo pa afford, huwag mong bilhin.

Pang-lima, iwasan muna ang pagce-crave ng mga pagkain. Okay lang naman ang paminsan-minsan pero huwag ang araw-araw na pagpapa-food delivery. Kung kayang magluto at may sangkap naman, push mo na para makabawas sa mga gastusin.

Panghuli, ay makuntento sa kung anong mayroon ka sa ngayon. Sabi nga nila, “Appreciate what you have than what you don’t.” Hindi naman masama na mag-asam ng ibang mga bagay pa pero dapat nakaangkla pa rin ito sa limitasyon ng iyong budget.

Kaya laging tandaan na hindi masama gumastos basta nasa tamang moderasyon. (Moises Caleon)

Leave A Reply

Your email address will not be published.