Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga doktor choosy sa bakuna!

0 98

Tinawag na “discriminating” ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang doktor na ayaw magpaturok ng bakunang gawa ng Sinovac laban sa COVID-19.

Sa kanyang talumpati sa inagurasyon ng apat na school building sa Bulakan, Bulacan at Valenzuela City Huwebes ng hapon, sinabi ng Pangulo na maraming doktor ang naghihintay pa rin ng bakuna ng Pfizer sa halip na samantalahin ang pagpapaturok ng Sinovac.

Subalit sinabi ng Pangulo na iginagalang niya ang desisyon ng mga gustong maghintay ng ibang brand ng bakuna.

“The doctors are very discriminating. They are waiting for the Pfizer. For those of you who would opt to take that vaccine, its fine with me. Wala sa akin `yan,” sabi ng Pangulo.

Samantala, sinabi rin ng Pangulo na hindi siya magdadalawang-isip na ganap na buksan ang ekonomiya kapag nakitang mayorya ng mga Pilipino ay magpabakuna at hindi mamimili ng gagamiting COVID-19 vaccine.

“`Pag ang every Filipino ganyan ang sitwasyon na magpabakuna na lang sila, wala ng kulang, at wala ng maraming kotso-kotso then I will reopen everything sa ating ekonomiya,” anang Pangulo.

Subalit sa ngayon aniya na hindi pa nababakunahan ang mayorya ng mga Pinoy, kailangang magpigil muna lalo na sa paglabas ng mga bata.

Tiniyak ng Pangulo na gagawin lahat ng gobyerno ang paraan para mailarga ang pagbabakuna sa buong bansa upang mabuksan na ang mga paaralan at unti-unting ibabalik ang face-to-face classes. (Aileen Taliping/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.