Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga doktor kontra bawas distancing

0 116

Nagpahayag ng pangamba ang isang organisasyon ng mga doktor sa bansa hinggil sa pagbabawas ng physical distancing sa mga pampublikong sasakyan dahil maaaring magdulot umano ito ng mga panibagong kaso ng COVID-19 infection.

Ipinarating ito ng Philippine College of Physicians (PCP) kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng kanilang liham na idinaan sa tanggapan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade.

Nabatid na ang PCP ay umbrella organization ng mga doktor sa internal medicine sa buong Pilipinas.

Napasakamay ng Abante TONITE ang kopya ng nasabing liham na may petsang Setyembre 11, 2020 at isinaad dito ng PCP ang kanilang mga pangamba hinggil sa pagbabawas ng physical distancing sa mga pampublikong sasakyan.

Nauna nang pinaliwanag ng DOTr na parte ng transisyon tungo sa new normal ang pagluluwag sa physical distancing sa mga pampublikong sasakyan na magsisimula ngayong Lunes, Setyembre 14.

“May we stress the fact that the main mode of transmission of COVID-19 is by droplet spray. Studies have shown the droplet spray can travel distances of 6 feet or less, which is equivalent to a distance of 1.8 meters or approximately 2 meters. COVID-19 can also be transmitted by aerosol which can travel a distance of more than 6 feet,” ayon sa PCP.

Ang “ideal distance” umano para makaiwas sa panganib ng COVID-19 ay 2 metro na pagitan.

Subalit ang rekomendasyong 1 meter distancing ay batay umano sa comprehensive review ng 19 na pag-aaral hinggil sa COVID-19 transmission.

The recommendation of 1 meter distancing is based from a comprehensive review of 19 studies where transmission was shown to be lower when compared with a distance of less than a meter with odds ratio (OR) of 0.18 (95% CI 0.09-0.38),” paliwanag pa ng PCP.

Mas protektado umano laban sa pagkahawa sa COVID-19 kung mas malayo ang distansya.

Pangamba ng PCP na posibleng dumami ang COVID-19 infection dahil sa pagbabawas ng distansiya sa pagitan ng mga pasahero ng pampublikong sasakyan.

Wala pang pahayag sa publiko ang DOTr hinggil sa liham ng PCP.

Leave A Reply

Your email address will not be published.