Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga doktor nangalampag na para iwas hawa sa COVID

0 213

Mismong mga doktor ang nanawagan sa mga tao na sundin ang mga health protocol para maawat ang pagsirit ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

Naglabas ng pahayag ang Philippine College of Physicians (PCP) at sinabing hindi na kakayanin pa ng bansa na magpatupad uli ng lockdown dahil sa matinding epekto na idudulot nito sa ekonomiya.

“We need to change our behavior,” payo ng PCP sa publiko.

Naging kampante umano ang mga tao hanggang sa dumami na uli ang mga nagkakasakit na health care worker at napupuno ang mga ospital ng mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19.

Payo ng PCP na ituloy ang mga minimum health standard para sa kaligtasan ng bawat isa katulad ng palagiang paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng face mask at face shield at physical distancing para makontrol ang paglaganap ng COVID-19.

Leave A Reply

Your email address will not be published.