Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga doktor sa Ospital ng Maynila nagkahawaan ng COVID

0 204

Nilinaw ni Manila Mayor Isko Moreno na hindi na pasyente sa pasyente ang naging transmisyon ng COVID-19 sa Ospital ng Maynila kundi doktor sa doktor na.

Sinabi ni Moreno na 11 medical frontliners na pawang mga doctor at nurse ang naka-confine na nagpositibo sa COVID-19, apat na confirmed case ay naka-home quarantine habang 32 namang suspected ang nasa home quarantine pero symptomatic.

Ang confirmed cases base sa contact tracing na ginawa ay nagkaroon ng close contact sa 58 katao. Para maawat ang paglala ng hawaan ipinasya ni Moreno na isara ang ospital simula kahapon hanggang sa Agosto 9 para makapagpahinga ang mga doktor, nurse, at iba pang personnel.

“So para maka-focus na mapangalagaan ang kalusugan ng frontliners sa medical sector, there is a need to stop continuing the contagion among themselves… I want them to be healthy emotionally, physically and psychologically… to give a breathing space to our doctors,” ayon Moreno.

Siniguro naman ni Moreno na tuloy ang serbisyo sa mga emergency cases o life and death situation, gaya ng panganganak at accident victim.

“Hindi kami nagtataboy…we will continue despite the challenges pero ‘pag sa tingin namin ay mari-reach na ang maximum tolerance namin sa infection sa aming medical sector, ‘pag di namin bingyang halaga ang aming mga frontliners, who will take care of the incoming and future COVID patients?” dagdag ni Moreno. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.