Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga doktor tagilid buhay sa Ivermectin

0 489

Nakakatanggap ng mga pagbabanta ang ilang doktor kaugnay sa kontrobersiyal na gamot na Ivermectin.

Siniwalat ni Melbert Reyes, pangulo ng Philippine Nurses Association (PNA) sa programa ng Abante Radyo Tabloidista na may mga nababasa siya sa kanilang chat group na screenshot ng pagbabanta sa kanilang mga kasamahang doktor.

Nais umano ng mga nagbabanta na gamitin na ang Ivermectin sa mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19 dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso sa bansa.

“Nakakatakot kasi may mga kababayan tayo na tinatakot ang mga doktor na kikidnapin because of the issue ng Ivermectin. ‘Yung hindi agad pagsunod sa paggamit ng Ivermectin,” ani Reyes.

Hindi umano basta-basta magagamit ang nasabing gamot dahil may proseso ito na dapat pagdaanan.

Aniya, hindi nito maintindihan kung bakit binabantaan ang mga doktor gayong ang paggamit nito ay nakasalalay sa desisyon ng Food and Drugs Administration (FDA) pati na rin ng World Health Organization.

“’Di ba galit na galit tayo sa Dengvaxia before tapos heto na naman tayo, gusto agad- agad its because may nag-present. Marami ng death threats ‘yung mga duktor natin,” dagdag ni Reyes.

Matatandaan na nagbigay ng compassionate special permit ang FDA para magamit ang anti-parasitic drug na ivermectin sa isang COVID-19 patient na nakaratay sa ospital. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.