Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga driving school talamak sa scam – ARTA

0 83

Higpitan ang regulasyon at patawan ng one-strike policy ang mga driving school at iba pang pribadong kompanya na nakikipagsabwatan umano sa mga fixer para sa kanilang ilegal na aktibidad.

Ito ang nirekomenda ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) matapos ang serye ng mga entrapment operation na kanilang isinagawa sa tulong ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa ilang sangay ng Land Transportation Office (LTO).

Sa isang pahayag nitong Linggo, sinabi ng ARTA na nabunyag sa kanilang isinagawang imbestigasyon na mayroong nagaganap na sabwatan sa fixing activity mula mismo sa mga kawani ng LTO, mga driving school, emission centers at medical clinics.

SM food to go Banner Ad

Dahil dito, nirekomenda ng ARTA na suspendihin ang mga nirereklamong driving school at mga pribadong kompanya habang nagsasagawa ng imbestigasyon laban sa mga ito.

Nabatid na isinumite ng ahensiya ang kanilang rekomendasyon sa tanggapan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade noon pang Mayo 19.

Kabilang umano sa mga mungkahing inilatag ng ARTA ang masusing imbestigasyon at pagkilatis sa mga driver’s license at vehicle registratiuon, gayundin ang mga pribadong kompanya na sangkot sa accreditation at kasama rin ang pagberipika sa certificate ng mga driving school.

Iginiit ng ahensiya na maglatag ang LTO ng mga kaukulang proseso para makumpirma kung totoo nga ang certificate na binibigay ng mga driving school sa mga nag-aaral magmaneho.

Leave A Reply

Your email address will not be published.