Abante Tonite Interactive

Mga DSWD worker, pulis partner sa pag-iikot

733

Sasamahan ng mga elemento ng Philippine National Police (PNP) ang ilang social worker na mamimigay ng social amelioration card sa mga mahihirap na apektado ng krisis dulot ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Ito ang sinabi ni PNP Deputy Chief for Operations Lt. Gen. Guillermo Eleazar sa kanyang pagharap sa Laging Handa Public Briefing nitong Miyerkoles.

Si Eleazar ang commander ng Joint Task Force COVID Shield.

Ayon kay Eleazar, layon ng pagsama ng mga pulis sa mga DSWD personnel na mamamahagi ng tulong sa mga mahihirap, na mabigyan ng proteksyon ang mga ito at maging maayos ang pagpunta sa mga tatanggap ng ayuda mula sa pamahalaan.(Riz Dominguez)

Tonite – Wendys Inhouse Ad