Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga dugyot lagot kay Isko

0 383

Umapela si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno”Domagoso sa mga pamilyang iskuwater na ayusin ang pagtatapon ng mga basura at huwag ihagis sa ilog at iba pang waterways.

“Hindi porke squatter, kailangan ding maging dugyot. Baguhin natin ang maling nakagawian. Inuunawa kayo ng pamahalaan pero ‘wag sana nyo hintayin na isang araw naubos na lang ang pasensiya ng gobyerno,” ayon kay Moreno.

Sa kabila na may katuwang ang lokal na pamahalaan sa paglilinis ng estero sa pamamagitan ng mga estero rangers, dapat aniyang makipakooperasyon ang ibang mga residente.

Sinabi ni Moreno na siya man ay dating squatter at alam niya na napakahirap nang walang sariling tirahan peeo pagdating naman sa kalinisan ay hindi sila ugaling squatter.

Leave A Reply

Your email address will not be published.