Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga eba sa Gintong Gawad

0 103

Kikilalanin ng Philippine Sports Commission (PSC) Women in Sports sa Gintong Gawad Award 2021 ang mga bebot na sangkot sa mga napapanahon, makabago, nakakapukaw, natatangi at kakaibang kontribusyon grassroots sports.

“We are happy to finally recognize and pay tribute to all the remarkable achievements in sports of women and of the outstanding initiatives for women in the communities throughout the country,” pahayag Martes ni PSC Chairman William Ramirez.

SM food to go Banner Ad

Kabilang mga kategorya na bukas na ang mga nominasyon ay ang Babaeng Atleta, Modelo ng Kabataan, Babaeng Atleta ng Kabataan (PWD), Babaeng Tagasanay ng Isport, Ina ng Isport, Lider ng Isport sa Komunidad, Kaagapay ng Isport sa Komunidad (Benefactor/Sponsor), Natatangi at Makabagong Produktong Pang-Isport; at ang Proyektong Isport Pangkababaihan.

Sa iba pang mga detalye, makipagugnayan sa Gintong Gawad National Screening, Technical, Evaluation and Validation (STEV) Secretariat sa Email psc.gintonggawad@gmail.com; sa General Concerns sa 09493695717, 09451755464, 09668663793, 09395988088; sa MM at South Luzon sa 09560654003; sa North Luzon sa 09094590303; sa Visayas sa 09053537169; at sa Mindanao sa 09178980979. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.