Abante Tonite Interactive

Mga economic manager nanaig, fuel tax ikakarga sa 2019

By
0 42

Tuloy na tuloy na ang implementasyon ng ikalawang tranche ng excise tax sa langis sa Enero 2019 makaraang aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Development Budget Coordinating Committee na bawiin ang suspension para sa implementasyon nito.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ipinaliwanag ng mga economic managers kay Pa­ngulong Duterte ang mga dahilan kung bakit dapat na ipatupad ang excise tax sa langis.

Kabilang dito ang bumababang presyo na ng la­ngis sa world market, ang pagkaantala ng Build Build Build programs, at pagbawas sa pondo para sa mga pangunahing serbisyo.

“The President has approved the recommendation of the Development Budget Coordination Committee (DBCC) to proceed with the implementation of the second tranche of excise tax on fuel, effective January 2019.

Due consideration was given to several factors including, but not limited to: the downward impact on inflation owing to the steep drop in the Dubai crude oil price, the disruption in the BBB infrastructure program, and reduction in budgets including personal services of national government agencies should excise tax on fuel be suspended,” ani Panelo.