Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga ECQ guideline nilabas ni Belmonte

0 89

Nagpalabas ng direktiba si Quezon City Mayor Joy Belmonte tungkol sa mga health-related guideline kapag ipinatupad na ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Biyernes, Agosto 6.

Inatasan ng alkalde ang BPLD na ipatupad muli ang Regulating the Selling of Basic Necessities During Calamities Ordinance, na ipinasa noong June 2020 upang maiwasan ang panic buying at pag-iimbak ng pagkain.

Nangangahulugang ang sardinas na bibilhin ay limitado lang sa limang lata kada brand bawat mamimili, habang ang ibang canned goods, gaya ng meat loaf at corned beef, ay hanggang 10 de-lata bawat brand kada customer.

Ipagbabawal din ang pagbebenta ng alak habang istriktong ipatutupad ang curfew hours na mula alas-8:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling-araw, at ang muling paggamit ng isang quarantine pass sa bawat pamilya.

Tigil-operasyon ang personal care services gaya ng barbershop, nail spa at parlor pero papayagang magbukas ang mga kainan subalit take-out o delivery services lang ang pwedeng ialok. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.