Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga eksperto bantay sa COVID sirit

0 53

Nakabantay na ang mga eksperto sa posibleng pagtaas ng kaso ng COVID-19 matapos ang mga aktibidad sa kampanya hanggang sa katatapos na halalan.

Ito ang inihayag sa Laging Handa public briefing ni Infectious Diseases Expert Dr. Rontgene Solante matapos ang mga naganap na super spreader events sa katatapos na eleksiyon.

Batay sa pagtaya ni Solante, posibleng sa susunod na isa o dalawang linggo ay makikita na kung may pagtaas ng COVID contamination.

SM food to go Banner Ad

Sa katunayan aniya ay mayroon na silang ilang pasyenteng mayroong mild symptoms ng COVID na posibleng nakuha bago or matapos ang botohan.

Ang pinangangambahan aniya ngayon nila ay kapag nakapasok ang BA4 at BA5 COVID variant sa bansa. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.