Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga empleyado nag-rally vs boss

0 505

Nagsagawa nitong Lunes ng kilos-protesta sa Quezon City Circle ang mga empleyado ng APO Production Unit Inc. (APO) at umapela kay Pangulong Rodrigo Duterte na patalisikin ang kanilang APO President at Chairman na si Michael Dalumpines dahil sa umano’y mga anomalya sa kaniyang panunungkulan.

Ayon kay Asian Productivity Employees Association (APEA) na pinamumunuan ni President Alvin Gavilan, nakipag-sabwatan umano si Dalumpines sa APO’s joint-venture (JV) partner United Graphic Expression Corporation (UGEC) upang makakupit ng malaking halaga ng dibidendo ang gobyerno.

“Sa madaling salita, lugi ang gobyerno––lugi ang taumbayan––sa APO-UGEC JV. Last year, APO did not remit a single centavo to the national government. Yet from 2015 to 2020, the APO-UGEC JV earned an estimated 13 billion pesos, but APO only received 335 million pesos, or 2.5%,” ayon sa pangulo ng Unyon.

Ang APO ay isang government-owned and controlled corporation (GOCC) na naka-ugnay sa Presidential Communications Operations Office (PCOO) na nag-iimprenta ng mga Philippine passports at iba pang mga sensitibong dokumento ng pamahalaan gaya ng Import Commodity Clearance stickers ng Department of Trade and Industry (DTI) at cigarette tax stamps ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

“Last October, President Rodrigo Duterte said he would wage a relentless war on corruption in his last year in office, and directed the Department of Justice (DOJ) to probe graft in the whole government,” ayon sa APEA. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.