Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga empleyado nawariwat sa na-COVID na Kapuso; GMA inupakan, aksyon agad

0 330

Agad na ipina-quarantine ang mga empleyado ng GMA Network na nakasalamuha ng isa sa kanilang co-worker na nagpositibo sa COVID-19.

Batay sa inilabas ng statement ng network, upang hindi na kumalat at magkahawaan pa ng nasabing virus, agad silang nagsagawa ng ‘contact tracing’ sa mga nakasalamuha ng empleyado nilang nagpositibo sa COVID-19 at isinailalim sa ‘qurantine.’

“GMA immediately took action when an employee informed the Network that she tested positive for CVID-19, That same night, her permission was secured in compliance with the Data Privacy Act and which she readily gave so contact tracing was done swiftly and thoroughly.”

Isinailalim din umano sa rapid testing ang kanilang mga personnel at nagsagawa ng malawakang disinfection.

Nauna rito’y umalma ang Talents Association of GMA network (TAG) sa mabagal umanong aksyon ng GMA matapos magpositibo ang kanilang empleyado. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.