Abante Tonite Interactive

Mga empleyado ng gobyerno kinalampag sa yosi ban

437

Muling pinaalala ng Civil Service Commission (CSC) ang mahigpit na patakaran laban sa paninigarilyo ng mga empleyado ng gobyerno sa mga pampublikong lugar at maging sa mga smoking area.

Kaugnay ito ng pagdiriwang ng World No Tobacco Day sa Mayo 31, Huwebes, na taunang ginagawa upang imulat ang publiko sa panganib na dulot ng paninigarilyo at maging ng second-hand smoke exposure.

Ayon sa komisyon, nakasaad ito sa Memorandum Circular No. 17 series of 2009 o Smoking Prohibition Based on 100% Smoke-Free Policy.

Batay sa nasabing memorandum circular, mahigpit na ipinagbabawal ang paninigaril­yo sa mga lugar, gusali at ma­ging sa labas ng mga ahensya ng gobyerno na nagkakaloob ng mga serbisyong pangkalusugan, edukasyon at social welfare, katulad ng mga ospital, health center, at mga eskuwelahan.

Pinagbabawal din ang paninigarilyo maging sa mga itinalagang smoking area.

Ayon kay CSC Chairperson Alicia dela Rosa-Bala, ang nasabing memorandum circular ay bahagi ng pagsisikap ng bansa na maipatupad ang Article 8 ng Framework Convention on Tobacco Control ng World Health Organization, na layuning pa­ngalagaan ang publiko sa pa­nganib na dulot ng second-hand tobacco smoke. (PNA)