Abante Tonite Interactive

Mga empleyado ng Regent Foods tuloy ang Pasko

213

Hindi na makakabalik pa sa kanilang mga trabaho ang mahigit-kumulang 150 manggagawa na nagprotesta matapos na magbarikada sa lahat ng planta ng Regent Foods Corp. (RFC) at sirain ang kabuhayang tumulong sa kanilang mga pamilya.

Kabilang pa rito ang may 23 katao na una nang inaresto ng Pasig City Police Station dahil sa iligal na barikada sa main gate ng RFC premises sa Taguig at Pasig at sa ginawang pangha-harass, panggugulo at pananakit ng mga papasok sanang mga empleyado.

Ayon kay Nociliado Marvin, pangulo ng Regent Foods Wor­kers Union-PSSLU Local Chapter 441, sa halos mahigit na tatlong linggong pagkakasara ng kompanya na dahil sa kanilang gina­wang pagpoprotesta ay umaasa pa ang mga ito na bumalik sa trabaho sa kabila ng pagbabakante nila sa trabaho at iwanan ang operas­yon ng planta.

Nabatid na tumi­gil ng halos tatlong linggo ang operasyon ng Regent Foods at walang mga deli­very, walang ope­ration at walang kita na kung saan ay nagawan pa rin ng management ng Regent na pasuwelduhin ang mga na­tirang empleyado at nananatiling tapat sa kanila sa kabila ng pag-abandona ng ilang kasamahan.

Sa ngayon ay naghahanda ang pamunuan ng Regent Foods Corp. sa mga sorpresa na ibibigay sa mga masisipag at loyal na trabahante ng kompanya ngayong nalalapit na Kapaskuhan. (Vick Aquino)