Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga empleyado ng San Miguel protektado vs COVID

0 247

Alaga ni San Miguel Corporation (SMC) President at CEO Ramon S. Ang ang kanilang mga empleyado.Sinisiguro nilang hindi ma-infect ang kanilang mga manggagawa ng COVID-19 kaya tini-test muna nila ang mga ito bago payagang pumasok.

Numero uno raw ang mass testing sa mga protocol nila para masigurong protektado sa virus ang mga empleyado.

Pangalawa ang paglalagay ng acrylic divider, o iyong plastic at glass na harang.

“So when you come to work you are practically safe that nobody can spread the disease in the office,” ani Ang.

Mayroon din daw silang oximeter na mas mahalaga aniya sa temperature sensor kaya naman 50% ng kanilang mga empleyado ay balik trabaho na.

“If you test a guy with an oximeter you will see if he is infected or not immediately. So we have all these safety precautions for our employees. That’s why today we have maybe 50% of our employees are back working and they can take turns,” saad niya.

“Most of them work 2, 3 days a week. So everybody is working. Our company is functioning very well now. In fact we are full speed in all our expansion. From food and beverages, power generation, oil, refinery, petrochemical, and our infrstucture business are in full blast our infrastructure construction business is full blast,” dagdag niya.

Sa ngayon ay maayos naman daw ang takbo ng mga negosyo nila at ang naapektuhan lang ng pandemya ay ang kanilang oil refinery business o iyong Petron.

“Actually, the only business that affected us really is the oil refinery business or petron. Our power business is good, our infrastructure business tollway port they are okay. And our food and beverage business is very, very good. And our other manufacturing business like our cement business are very very good. In short, we are not affected at all,” wika ni Ang. (Eileen Mencias/IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.