Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga empleyadong nagkasakit aayudahan ng DepEd-NEU

0 162

Kinikilala ng National Employees’ Union ng Department of Education

(DepEd-NEU) ang mga non-teaching personnel at agarang binigyan ng pinansyal na tulong ang mga myembro na nahawaan ng corona virus disease (Covid19).

Ayon kay Atty. Domingo Alidon, national president ng DepEd-NEU, makakatanggap ng financial assistance ang mga myembro na nagpositibo sa virus kahit ‘yung mga kinokonsidera lamang na suspected and probable cases.

Makakatanggap ng P3,000 financial assistance ang positive sa Covid-19, suspected man o probable cases, habang ang pamilya o kamag-anak na namatay na miyembro ng unyon ay makatatanggap ng P5,000 death benefits.

“Evidence-based po tayo, ipadala lamang ang kanilang pay slip bilang katunayan na sila ay nakapag-ambag na sa ating mutual aid, medical certificate kung sila ay infected ng Covid19 at death certificate naman sa mga yumaong myembro ng unyon,” ayon kay Alidon. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.