Abante Tonite Interactive

Mga environmentalist, consumer kontra sa coal power plant

232

Umapela sa pamahalaan ang mga environment at consu­mer group na pinangunahan ng Power for People Coalition (P4P) na huwag suportahan at pag-aksaya­hang gastusan ang mga coal-fired power plant project na hindi na rin pinapayagang gamitin sa ibang mauunlad na bansa.

Noong Biyernes ay nagsagawa ng kilos protesta ang grupo sa harap ng tanggapan ng pinakamalaking bangko sa bansa na nagsisilbi umanong ‘biggest financier’ ng mga coal-fired power plant, upang hilingin na huwag pondohan ang pagtatayo ng mga plantang gumagamit ng carbon.

“We are asking for the bank to become a responsible corporate citizen and stop funding coal, the source of high power rates, much environmental damage, and a lot of health issues in coal-affected communities,” ayon kay P4P spokesperson Gerry Arances.

“In funding these coal projects, are using our money to poison us. The longer coal stays around in our country, the longer we have to pay higher rates for unreliable electri­city, the more we have to pay for health costs of coal pollution, and the greater the damage our children would have to undo with the environmental effects of coal use,” giit ni Arances.

Kasama ng P4P na nagsagawa ng demonstrasyon sa harap ng tanggapan ng BPI ang Murang Kuryente, Philippine Movement for Climate Justice, at Sanlakas.